Advertisement

Mt. Pico de Loro sa Cavite, Pansamantalang Isinara para sa Rehabilitasyon

Pansamantalang isinara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Mt. Pico de Loro matapos tamaan ng mga nagdaang bagyo at habagat sa Cavite.

Ipinatupad ang closure noong Agosto 21 at tatagal hanggang Setyembre 12. Ayon sa DENR Region 4A, suspendido ang lahat ng hiking activities sa Mt. Pico de Loro at sa buong Mounts Palay-Palay/Mataas-na-Gulod Protected Landscape sa nasabing panahon.

Layunin ng pagsasara ang cleanup, pagkukumpuni ng mga trail, at pagpapatupad ng karagdagang safety measures upang matiyak ang kaligtasan ng mga hikers.

Ang Mt. Pico de Loro, na matatagpuan sa Ternate at Maragondon, Cavite, at Nasugbu, Batangas, ay isa sa pinakasikat na hiking destinations sa rehiyon.

Matatandaang isinara rin ang bundok noong 2016 dahil sa mga isyung pangkapaligiran, at muling binuksan noong 2023 matapos ang rehabilitasyon na may kaakibat na mga limitasyon sa mga bisita.


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading