MAYNILA — Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga pribadong kumpanya tungkol sa tamang pagpapatupad ng holiday pay para sa Ninoy Aquino Day sa Agosto 21 at National Heroes Day sa Agosto 31.

Ayon sa Labor Advisory No. 31, ang National Heroes Day ay isang regular holiday kung saan ang mga empleyadong papasok sa trabaho ay dapat tumanggap ng dobleng sahod o katumbas ng 200 porsiyento ng kanilang arawang kita. Samantala, ang mga hindi papasok ay may karapatan pa ring makatanggap ng 100 porsiyento ng kanilang sahod, basta’t nakapagtrabaho o naka-leave na may bayad sila sa araw bago ang holiday.
Dagdag pa ng DOLE, may karagdagang bayad para sa mga empleyadong mag-o-overtime o papasok sa kanilang nakatakdang araw ng pahinga na tumapat sa regular holiday.
Para naman sa Ninoy Aquino Day, na isang special non-working day, ipatutupad ang prinsipyong “no work, no pay” maliban kung may umiiral na mas paborableng polisiya, kasunduan, o benepisyo sa kumpanya. Gayunman, ang mga empleyadong papasok sa trabaho sa araw na ito ay makatatanggap ng dagdag na 30 porsiyento ng kanilang arawang sahod para sa unang walong oras ng trabaho.
Mas mataas naman ang karagdagang bayad kung ang special non-working day ay tumapat sa kanilang rest day.
Hinimok ng DOLE ang mga employer na mahigpit na sundin ang itinakdang mga patakaran upang matiyak na matatanggap ng mga manggagawa ang tamang benepisyo at kabayaran sa mga darating na holiday.
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply