Advertisement

GSIS Naglaan ng P4.4-B Emergency Loans para sa mga Apektado ng Bagyo at Habagat, Kabilang ang Cavite

Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng halos P4.4 bilyon para sa emergency loans ng mga miyembro at pensioners na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at habagat sa siyam na lugar sa Luzon, kabilang ang Cavite.

Ayon sa GSIS, aabot sa 166,789 active members at old-age at disability pensioners ang maaaring mag-avail ng pautang sa mga apektadong lugar gaya ng Pampanga, Bulacan, Pangasinan, Zambales, Cavite, at Rizal.

Maaaring umutang ng hanggang P20,000 ang mga kwalipikadong walang existing emergency loan, habang hanggang P40,000 naman para sa may natitirang balanse, alinsunod sa umiiral na patakaran ng GSIS.

Babayaran ang loan sa loob ng 36 buwan na may anim na porsiyentong taunang interes. Saklaw din ito ng loan redemption insurance na magbabayad ng natitirang balanse sakaling pumanaw ang borrower, basta updated ang hulog.

Magkakaiba ang deadline ng aplikasyon depende sa lugar, ayon sa GSIS.


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading