MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang Tropical Depression “Pilandok” habang nananatiling halos hindi gumagalaw sa silangan ng Extreme Northern Luzon, ayon sa PAGASA.
Huling namataan ang bagyo dakong 4 a.m. Lunes sa layong 1,130 kilometro silangan ng Hilagang Luzon, na may lakas ng hangin na 55 kph at pagbugsong aabot sa 70 kph.
Posibleng lumakas pa ito bilang tropical storm sa Setyembre 1, ngunit inaasahang mananatili itong malayo sa kalupaan at maaaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa Setyembre 2 patungo sa Ryukyu Islands.
Samantala, binabantayan din ang dalawa pang tropical cyclones sa hilagang bahagi ng West Philippine Sea, kabilang ang isa malapit sa Taiwan at ang muling nabuhay na Tropical Depression Saudel.
Ayon sa PAGASA, posibleng magkaroon ng “binary interaction” ang dalawang sistema na maaaring magtulak sa isa patungong southeastern China habang si Saudel ay papasok sa hilagang-kanlurang bahagi ng PAR at tatawaging “Obet” sa oras na makapasok.
Mayroon ding low pressure area (LPA) sa silangan ng Micronesia na may katamtamang tsansa na maging bagyo sa loob ng 24 oras, bagamat hindi pa tiyak kung papasok ito sa PAR.
Patuloy namang pinalalakas ng mga sistemang ito ang habagat na nagdadala ng malalakas hanggang matitinding pag-ulan sa Luzon at Western Visayas.
Nagbabala ang PAGASA ng mataas na panganib ng pagbaha at landslide, lalo na sa western Luzon, habang inaasahan ang tuloy-tuloy na pag-ulan hanggang kalagitnaan ng linggo.
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply