Advertisement

COMELEC, TINAPYASAN SA P128M ANG PONDO NG SPECIAL ELECTIONS SA DASMARIÑAS, CAVITE

DASMARIÑAS, Cavite — Tinapyasan ng Commission on Elections (Comelec) ang budget para sa special elections sa Dasmariñas, Cavite mula sa orihinal na P191 milyon na bumaba sa P128 milyon.


Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nakapagtipid ang komisyon ng tinatayang P63 milyon sa pamamagitan ng paghihigpit sa gastusin, kabilang ang election supplies, pagkain, at deployment ng mga tauhan.


Binigyang-diin ni Garcia na hindi ginalaw ang benepisyo ng mga gurong magsisilbi sa halalan, na patuloy na makatatanggap ng dagdag na P2,000 honorarium, pati na rin ang mga DepEd Supervisors Officially Designated (DESO) personnel at support staff.


Kabilang sa mga hakbang sa pagtitipid ang paggamit ng recycled election materials at pagkuha ng indelible ink mula sa mga kalapit na lugar sa halip na bumili ng bago.


Samantala, matatandaan na nag-ambag ng P50 milyon ang pamahalaang lungsod ng Dasmariñas para sa halalan. Ayon sa Comelec, mananatiling prayoridad ang mahahalagang pangangailangan sa eleksyon kasabay ng patuloy na pagtitipid para sa paghahanda pa sa susunod na eleksyon. #RPB


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading