Advertisement

ALFONSO SIKLAB, PORMAL NANG NABUO; HANDA NA SA PICKLEBALL COMPETITIONS

ALFONSO, Cavite — Isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng pickleball sa bayan ng Alfonso ang naganap matapos ang pormal na paglagda sa kontrata ng koponang Alfonso Siklab sa isinagawang Official Contract Signing Ceremony nitong Lunes ng hapon, Agosto 24.

Pinangunahan ni Mayor Randy Salamat ang aktibidad, kasama ang mga miyembro ng koponan na nakatakdang kumatawan sa bayan sa mga darating na pickleball competitions.

Ayon sa alkalde, nabuo ang Alfonso Siklab sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga manlalarong may layuning maipakita ang talento ng mga Alfoseño sa larangan ng pickleball. Hindi lamang mga taga-Alfonso, maging sa ibang mga lugar na nagnanais na kanilang maipakita ang kanilang husay sa pickleball court.

Dumalo rin sa pagtitipon ang mga miyembro ng koponan, kabilang sina Kim Saraza, Al Quiza, Meds Ramos Saraza, Red Directo, Novi Melendez, Cindy Nuguit, Dania Lee Abjuela, at Matthew Lao, kasama si Keng Gaspar bilang team manager.

Layunin ng grupo na palawakin ang kaalaman at interes sa pickleball sa Alfonso at hikayatin ang komunidad na suportahan ang patuloy na paglago ng sport sa bayan.

Inaasahang magsisilbing kinatawan ang Alfonso Siklab sa mga susunod na torneo sa loob at labas ng lalawigan, kasabay ng lumalakas na partisipasyon ng mga residente sa nasabing larangan. #RPB

Credits: CAVITE CONNECT

Photo credits & Writeup: REX MOLINES


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading