Advertisement

Authentic Indian Cuisine sa GenTri, Patok sa Panlasa ng mga Caviteño, Dinadayo

Kung fanatic ka ng Indian food o kahit hindi, tiyak na magugustuhan mo ito. Ika nga, you’ll never truly know until you taste the authenticity of the Indian cuisine and its main course.


Karamihan sa ating mga Pilipino ay naghahanap lagi ng kakaibang lasa o unique food tasting experience na talaga namang masasabing 100% authentic ang food na ito. Kaya naman, isang masayang pagkakataon na maimbitahan at matikman ang bibihirang Indian food restaurant na unti-unti nang nakilala dito sa kahabaan ng Antero Soriano Highway General Trias, Cavite, ang fine dine-in restaurant na Little Asia Indian Bar and Restaurant na naghahatid ng tunay na lasa ng Indian famous cravings na ngayon ay mas pinalalapit pa sa mga Caviteño.

Nagbukas ang nasabing restaurant mahigit tatlong buwan pa lamang ang nakalilipas, ngunit agad na tinangkilik ito ng mga lokal na customers ang kanilang mga putahe rito.

Ayon sa may-ari na si Mr. Abhishek Bibhuti, isang Indian national, layunin nilang ipakilala sa mga Pilipino ang tunay na Indian cuisine na kilala sa paggamit ng iba’t ibang herbs and spices na nagbibigay ng kakaibang sarap at aroma sa bawat putahe na kanilang inihahain sa mga bumibisita sa kanilang restaurant.


“Many Filipinos love spicy food, which is why we want them to experience authentic Indian flavors,” ayon kay Bibhuti na aking nakapanayam.


Hindi lamang pang-dine-in ang kanilang serbisyo dahil tumatanggap din sila ng takeout at delivery orders sa pamamagitan ng mga online platforms gaya ng Foodpanda at GrabFood, kung saan patuloy ding lumalakas ang kanilang customer base.

Indian Street Food and Signature Main Courses at Little Asia


Ilan sa mga tampok sa kanilang menu ang mga kilalang Indian street food tulad ng Pani Puri, Samosa, Chicken Tikka, at Vegetable Pakora.

Para naman sa main course, patok ang Butter Chicken, Chicken Biryani, Tandoori Chicken, Paneer Tikka Masala, at Dal Tadka.

Mga side dish gaya ng Jeera Rice at Naan, habang tampok din ang kanilang panghimagas tulad ng Gajar Halwa, pati na ang tradisyunal na inumin na Masala Chai at Sweet Lassi.


Bukod sa masasarap na pagkain, kapansin-pansin din ang mainit na pagtanggap ng kanilang mga staff, na nagdaragdag sa kabuuang karanasan ng mga bisita, maging ito man ay pamilya, magkakaibigan, o mga empleyadong naghahanap ng bagong kainan.

Why Is It Called “Little Asia” When Your Main Dishes Focus on Indian Cuisine?


Isa sa mga naitanong namin kung bakit nga ba “Little Asia,” ang brand name ng kanilang restaurant. Ipinaliwanag naman ng may-ari ang pinagmulan ng pangalang “Little Asia,” na sumasalamin sa kanilang layunin na hindi lamang mag-alok ng Indian cuisine, kundi pati na rin ng iba pang pagkaing Asyano tulad ng Thai dishes na mas mailapit pa sa panlasang Pinoy at ilang paboritong pagkain ng mga Pilipino.

Gayunpaman, nananatiling sentro ng kanilang misyon ang pagpapakilala at pagpapahalaga sa tunay na lutuing Indian.

Dagdag pa rito, may plano ang pamunuan na palawakin ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagbubukas ng kiosk sa SM Tanza, Cavite upang mas marami pang Caviteño ang makaranas ng kanilang mga inaalok na pagkain kung sakaling sumang-ayon ang panahon sakanilang mga plano.


Sa huli, pinatutunayan ng Little Asia Indian Cuisine Bar and Restaurant na ang pagkain ay hindi lamang tungkol sa panlasa, kundi isang paglalakbay sa kultura at maipakilala ito sa ibang lahi saan man sa Asya.

Para sa mga nagnanais na ma-experience at malasap ang 100% authentic Indian cuisine, pwede ninyong simulan dito ang inyong next food trip adventure together with your family, relatives, friends at maging corporate gatherings ay pwedeng-pwede rito.

Bisitahin ang kanilang official Facebook page para sa iba pang impormasyon: https://www.facebook.com/littleasiaph

Courtesy: Cavite Connect | Cavite News Update


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading