Magbabalik ang wholesale brand na Makro sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatayo ng apat na bagong tindahan sa mga mixed-use estates ng Ayala Land Inc. (ALI).
Kabilang sa mga lokasyon ang Cloverleaf sa Quezon City, Broadfield sa Biñan, Laguna, Arca South sa Taguig City, at Evo City sa Kawit, Cavite, na layong mapalapit ang serbisyo sa mga komunidad at maliliit na negosyo sa Luzon.
Sa ilalim ng kasunduan, mananatili ang pagmamay-ari ng lupa sa ALI habang ang Makro ang magde-develop at magpapatakbo ng mga tindahan.
Ang Makro Philippines ay joint venture ng Ayala Corporation at CP Axtra Public Co. Ltd., na mag-aalok ng malawak na hanay ng produkto kabilang ang pagkain, imported goods, at non-food essentials, suportado ng omni-channel platform para sa mga negosyo at mamimili.
Ayon sa ALI, inaasahang magbibigay ang proyekto ng mas malawak na pagpipilian at mas maginhawang shopping experience sa mga lumalaking komunidad sa Metro Manila at Southern Luzon.
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply