MANILA — Nagkaisa ang mga stakeholder ng ube sa buong bansa sa pagbuo ng United Ube PH Association Inc. upang palakasin ang industriya at mapalawak ang pagpasok ng Philippine ube sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), kabilang sa grupo ang mga magsasaka, kooperatiba, growers, processors, traders, exporters, researchers, academe at government agencies.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na napapanahon ang pagkakabuo ng grupo dahil patuloy na tumataas ang demand sa ube sa ibang bansa.
Layunin ng United Ube PH na pagbutihin ang koordinasyon sa supply chain, palawakin ang market partnerships at export opportunities, at matiyak na mas malaking bahagi ng halaga ng produkto ay mapunta sa mga magsasaka.
Nakatakdang ilunsad ang grupo sa ASEAN-HWONFEX 2026 sa Manila sa Setyembre, kasabay ng paghahanda para sa 1st National Ube Forum sa Pagadian City, Zamboanga del Sur. #RPB
Source: MANILA BULLETIN
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply