Advertisement

YELLOW RAINFALL ALERT, ITINAAS SA METRO MANILA AT ILANG LUGAR SA LUZON; CAVITE, KABILANG SA MGA APEKTADO

MANILA — Itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Yellow Rainfall Warning sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon nitong Miyerkules dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.

Kabilang sa mga nasa ilalim ng alerto ang Zambales, Bataan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas at Rizal.

Sa Cavite, kabilang sa mga lugar na sakop ng yellow rainfall alert ang Alfonso, Amadeo, General Trias, General Emilio Aguinaldo, Indang, Magallanes, Maragondon, Mendez, Tagaytay, Ternate, Trece Martires, Bacoor, Cavite City, Imus, Kawit, Naic, Noveleta, Rosario at Tanza.

Ayon sa PAGASA, posible ang pagbaha sa mga lugar na makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Samantala, nakararanas din ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan, na may paminsan-minsang malakas na buhos, sa ilang bahagi ng Cavite kabilang ang Carmona, Silang, General Mariano Alvarez at Dasmariñas.

Ang natitirang bahagi ng Luzon ay inaasahang makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms. Ganito rin ang inaasahang kondisyon sa Visayas at Mindanao dahil sa localized thunderstorms.

Pinapayuhan ang publiko, lalo na ang mga nakatira sa mabababang lugar at malapit sa ilog at daluyan ng tubig, na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga lokal na awtoridad.


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading