Advertisement

Orange Rainfall Warning Itinaas sa Ilang Bahagi ng Cavite; Banta ng Pagbaha, Nagbabala ang PAGASA

CAVITE — Isinailalim ng PAGASA sa Orange Rainfall Warning ang ilang bahagi ng Cavite dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat o Southwest Monsoon.

Sa inilabas na Heavy Rainfall Warning No. 3-A alas-10:10 ng umaga nitong Biyernes, kabilang sa mga nasa Orange Warning ang Bacoor, Kawit, Imus, Noveleta, Cavite City, Rosario, Magallanes, General Trias, Tanza, Naic, Maragondon, Ternate, Trece Martires at General Emilio Aguinaldo.

Ayon sa PAGASA, nagbabanta ang pagbaha sa mga mabababang lugar dahil sa malalakas na pag-ulan. Samantala, nasa ilalim naman ng Yellow Rainfall Warning ang Alfonso, Amadeo, Indang, Mendez, Silang, Tagaytay, Carmona, Dasmariñas at General Mariano Alvarez kung saan posible rin ang pagbaha sa mga flood-prone areas.

Pinapayuhan ang publiko at mga lokal na disaster response office na patuloy na bantayan ang lagay ng panahon at maging handa sa posibleng epekto ng masamang panahon habang hinihintay ang susunod na weather bulletin ng PAGASA.

Source: PAG-ASA


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading