Advertisement

PAGAMUTAN NG DASMARIÑAS, IPINAGDIWANG ANG 10 TAON NG SERBISYO PARA SA BAWAT DASMARIÑEÑOS

Ipinagdiwang ng Pagamutan ng Dasmariñas ang kanilang ika-10 anibersaryo sa pamamagitan ng “10th Anniversary Gala Night” na may temang *“Isang Dekada ng Pusong Naglilingkod para sa Kalusugan ng Bayan.”

Dumalo sa okasyon sina elect-congresswoman Jenny Barzaga at ang kaniyang anak na si Mayor Thirdy Barzaga, kasama ang iba pang lokal na opisyal at panauhin.

Sa loob ng isang dekada, kinilala ang Pagamutan ng Dasmariñas sa patuloy nitong pagbibigay ng dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Dasmariñeño.

Binigyang-diin sa selebrasyon ang patuloy na pangako ng institusyon na paglingkuran ang komunidad at palawakin pa ang mga serbisyong medikal para sa kapakanan ng mamamayan.

#DiyaryoMilenyo


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading