DASMARIÑAS CITY, Cavite — Isang petition for disqualification ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) laban kay Dasmariñas City Mayor Jennifer Austria-Barzaga, kandidato sa pagka-kongresista ng Ikaapat na Distrito ng Cavite sa nakatakdang special election sa Agosto 29.

Inihain umano ang petisyon noong Agosto 13 ni Atty. Marian Dupal-Ag Wooldridge, isang rehistradong botante ng Dasmariñas City. Nakasaad sa petisyon ang panawagang imbestigahan ang umano’y ₱50-milyong donasyon ng pamahalaang lungsod sa COMELEC, pamamahagi ng relief goods at ayuda sa panahon ng eleksyon, at paggamit umano ng mga pasilidad at iba pang resources ng gobyerno para sa mga aktibidad na may kaugnayan sa kampanya.
Ayon sa petitioner, layunin ng paghahain ng kaso na mapanatili ang integridad, pagiging patas, at pagiging walang kinikilingan ng nalalapit na halalan.
Samantala, binigyang-diin na ang mga nakasaad sa petisyon ay mga alegasyon pa lamang at kinakailangan pang suriin at pagdesisyunan ng COMELEC. Ang paghahain ng petisyon ay hindi nangangahulugang napatunayan na ang anumang paglabag laban sa respondent.
Source: CNN
Credits to: Cavite Press Corps | Cavite News Scope | Cavite News Today | Epiphanio Delos Santos
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply