DASMARIÑAS CITY, Cavite — Ipinamalas ang makabagong teknolohiya at inobasyon sa ginanap na NCF TechXEd Roadshow – Cavite Leg sa SM City Dasmariñas noong Agosto 29–30, 2026.
Pinangunahan ng Naga College Foundation, Inc. (NCF), tampok sa dalawang araw na event ang interactive tech booths at live demonstrations na nagbigay sa mga estudyante at mallgoers ng hands-on experience sa makabagong teknolohiya.
Kabilang sa mga umagaw ng pansin ang Tigers Humanoid at Virtual Reality (VR) exhibits ng NCF, habang nakipag-interact din ang mga robot ng SM Supermalls sa mga bisita.
Layunin ng roadshow na hikayatin ang kabataan na pumasok sa larangan ng science, technology, at innovation, at ihanda sila sa mga oportunidad sa hinaharap.
Ayon sa NCF, bahagi ito ng kanilang adbokasiya na maghatid ng globally competitive at technology-driven education para sa susunod na henerasyon.
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply