Nasawi ang Isang traffic enforcer matapos umanong barilin dahil sa pagtanggi nitong ilabas ang isang na-impound na motorsiklo sa Barangay Burol 1, Dasmariñas City, noong Agosto 8.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Cavite Police Provincial Office, unang nasita ng mga traffic enforcer ang isang motorsiklo na may dalawang sakay na walang helmet.
Lumabas din umano na expired ang rehistro nito at walang valid driver’s license ang rider, dahilan upang ito ay i-impound.Ilang oras matapos nito, bumalik umano ang isang lalaki na kinilala sa alyas na “Cezar” at iginiit ang pagpapalabas ng motorsiklo.
Nang hindi ito pinagbigyan, umano’y bumunot ito ng baril at binaril ang traffic enforcer bago tumakas patungo sa Barangay H2.Isinugod ang biktima sa Pagamutan ng Dasmariñas ngunit pumanaw bandang alas-8 ng gabi habang ginagamot.
Patuloy ang manhunt operation ng pulisya. Sinusuri rin ang mga available na CCTV footage at kinokolekta ang mga pahayag ng mga saksi upang matunton ang suspek.Nanawagan ang pulisya sa sinumang may impormasyon kaugnay ng insidente na agad makipag-ugnayan sa pinakamalapit na police station. [RBM]
Published thru CAVITE PRESS CORPS | NAIC UPNEXT | CALABARZON TRENDS| CAVITE CONNECT
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply