Advertisement

Lalaki, Inaresto Matapos Makuhanan ng Baril na Walang Maipakitang Dokumento sa Bacoor

BACOOR CITY, CAVITE — Isang lalaki ang inaresto matapos makuhanan ng isang kalibre .38 revolver na wala umanong maipakitang kaukulang dokumento kasunod ng isang insidente sa kanilang tahanan sa Barangay Mambog 1 noong gabi ng Agosto 17.

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Flor.”

Ayon sa imbestigasyon, humingi ng tulong sa mga barangay official ang kanyang live-in partner matapos ang umano’y pagtatalo sa loob ng kanilang bahay.

Sa pagresponde ng mga awtoridad, itinuro umano ng complainant ang isang bag na pinaniniwalaang pag-aari ng suspek. Sa isinagawang inspeksyon, natagpuan dito ang isang kalibre .38 revolver.

Nang hingan ng mga dokumento kaugnay ng pagmamay-ari ng baril, wala umanong naipakitang kaukulang papeles ang suspek dahilan upang siya ay arestuhin.

Isusumite ang nakuhang armas sa Cavite Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri at beripikasyon kung ito ay rehistrado.

Nahaharap ang suspek sa mga reklamong may kaugnayan sa Republic Act No. 9262 at Republic Act No. 10591, habang inihahanda ang kaukulang kaso para sa pagsasampa sa piskalya. #RPB


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading