Halos buong buwan ng Agosto ngayong taon inulan tayo ng sobrang tuloy-tuloy na Habagat sa bansa. Kahit may mga dumaang bagyo na hindi naman nag-landfall ay mas nakaapekto sa ating lahat ang tuloy-tuloy na Habagat. Tuwing kailan nga ba Talaga nadating at natatapos ang Habagat sa Pilipinas?
Ipinaliwanag ng mga eksperto na ang Habagat o Southwest Monsoon ay isang mainit at mahalumigmig na hangin na nagmumula sa timog-kanlurang bahagi ng Asya at nagdadala ng malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan sa bansa.
Ayon sa DOST-PAGASA, ang hanging Habagat ay nagmumula sa mga karatig-bansa tulad ng India, Indonesia, Malaysia, Thailand, at Singapore, pati na rin sa Karagatang Indian at mga lugar malapit sa ekwador. Dahil sa taglay nitong mataas na halumigmig, nagiging sanhi ito ng matitinding pag-ulan, lalo na sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
Karaniwang nagsisimula ang Habagat sa buwan ng Hunyo at tumatagal hanggang Setyembre o Oktubre. Mas lalo pa itong lumalakas kapag may umiiral na bagyo sa silangang bahagi ng bansa, na humihigop sa hanging Habagat at nagpapalawak ng dalang ulan.
Dahil dito, madalas makaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang lugar tuwing kasagsagan ng Habagat, kaya patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na maging handa at mapagmatyag sa mga abiso ng panahon.
Sa ganitong pabago-bago ang panahon dulot ng climate change na umiiral sa buong mundo, asahan na natin na mas malaking posibilidad na malawak na pagbaha ang darating kung saan mas binibigyan ngayon ng prayoridad NG gobyerno ang mga usaping flood control projects o mga retarding basin na sasalo ng mga tubig ulan upang hindi na makaranas pa ang ilang mga lugar na madalas bahain. Kahit na sinasabi pa ng mga eksperto na nagpapatuloy pa rin ang El Nino sa bansa na tatagal hanggang sa susunod na taon. #RPB
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply