Sa patuloy na pag-ulan ngayong Habagat season, muling umuugong ang usaping tungkol sa mga kumpol-kumpol o mala-spaghetti na mga kableng nakabuhol sa mga poste kung saan madalas pabagsakin ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa iba’t ibang lugar partikular sa madalas bahain.
Ang mga nakalaylay na mga kable sa mga poste ay maaaring magdulot ng panganib sa lahat, lalo na kapag sinabayan ng malakas na hangin at ulan.
Sa ilang lugar gaya ng Cavite, Batangas, Laguna, Bulacan, Metro Manila, sa Cebu at bahagi ng Mindanao kung saan nakapagtala ng pagbagsak ng mga lumang poste at siksik na linya ng kuryente at cable wires na nagdulot ng matinding abala sa mga naapektuhang residente.
Dahil dito, hinihikayat ang mga kumpanya at local government units (LGUs) sa pag-modernisa ng cable infrastructure kabilang ang mas maayos na cable management, pag-aalis ng mga hindi na ginagamit na linya, at paggamit ng underground cabling sa mga lugar na angkop dito.
Layunin nitong gawing mas ligtas, maayos at matatag ang mga linya ng komunikasyon at iba pang utility infrastructure, lalo na ngayong panahon ng malalakas na ulan at bagyo.
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply