Advertisement

Baha sa kahabaan ng Hillsview at Pasinaya Road sa Naic, Patuloy na Suliranin

NAIC, CAVITE — Patuloy na nagdudulot ng abala sa mga residente, motorista, at mga mag-aaral ang pagbaha sa kahabaan ng Friendship Road, partikular sa bahagi ng Hillsview at Pasinaya road, Naic, Cavite, kung saan itinatayo ang Super Health Center at ang Public Hospital ng lungsod.

Ayon sa mga residente, kahit panandaliang pag-ulan lamang ay agad nang bumabaha sa lugar, lalo na kapag tuloy-tuloy ang pag-ulan. Dahil dito, nahihirapan ang mga dumaraang residente at motorista na nagdudulot ng mabigat na daloy ng trapiko.

Matagal na umanong panawagan ng mga nakatira sa mga kalapit na subdivision ang paglalagay ng maayos na kanal at gutter sa magkabilang gilid ng kalsada upang masolusyunan ang problema sa pagbaha. Gayunman, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring nakikitang malaking pag-usad sa partikular na lugar kung kaya’t paghuhukoy lang ng mga nakata,bak na lupa sa gilid na nagdudulot pa rin ng pag-ipon ng tubig ulan sa gitna ng kalsada.

Apektado rin ng sitwasyon ang mga estudyanteng pumapasok sa Timalan Elementary School at Timalan Integrated School, na kinakailangang dumaan sa bahaging madalas bahain. Dahil dito, muling nananawagan ang mga residente sa kinauukulang mga ahensya at lokal na pamahalaan na agad nang simulan ang paglalagay ng maayos na drainage system upang maiwasan ang pagbaha, mabawasan ang trapiko, at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at mag-aaral. #RPB

PCTTO


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading