Advertisement

2 Patay, 5 Sugatan sa Salpukan ng Truck at Jeep sa Batangas City

BATANGAS CITY — Dalawang katao ang nasawi habang lima ang nasugatan matapos ang banggaan ng isang truck at pampasaherong jeep sa Barangay Concepcion, Batangas City noong Miyerkules, Agosto 26.

Ayon sa Philippine Red Cross (PRC), rumesponde ang kanilang emergency medical team bandang 12:55 ng tanghali at agad na nagbigay ng paunang lunas sa mga biktima.

Dalawa sa mga sugatan ang dinala sa St. Camillus Hospital at Batangas Medical Center para sa karagdagang gamutan. Isa sa mga ito ay hinihinalang nagtamo ng bali sa kaliwang tuhod, habang ang isa naman ay walang malay nang isugod sa ospital.

Inalerto rin ng PRC ang welfare team nito sa Batangas upang magbigay ng karagdagang tulong sa mga biktima. #RPB

Courtesy: Inquirer


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading