Advertisement

“BUDOL-BUDOL” GANG, TIMBOG SA IMUS; ALAHAS NG BIKTIMA NABAWI

GENERAL TRIAS CITY, CAVITE — Arestado ang apat na lalaking umano’y sangkot sa “budol-budol” scheme matapos matunton ng pulisya ang kanilang sasakyan sa Imus City.

Ayon sa General Trias City Police, naganap ang insidente noong Agosto 23 matapos umattend ng misa ang biktima sa San Gabriel Parish Church. Umano’y nilapitan siya ng isa sa mga suspek at nahikayat na sumakay sa kanilang sasakyan.

Nakuha umano sa biktima ang mga alahas at ₱4,000 cash bago siya ibinaba sa Barangay San Francisco.

Sa tulong ng CCTV footage at koordinasyon sa mga awtoridad sa Imus, natunton ang sasakyan ng mga suspek sa Barangay Buhay na Tubig at sinundan hanggang sa Imus Public Market, kung saan sila naaresto.

Narekober sa sasakyan ang isang pares ng hikaw at singsing na positibong kinilala ng biktima bilang bahagi ng kanyang nawawalang alahas. Nakuha rin ang iba pang alahas at mga papel na ginupit at hinubog na kahawig ng perang papel.

Dinala ang apat na suspek sa General Trias Component City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Nagpaalala ang pulisya sa publiko, lalo na sa mga senior citizen, na maging maingat sa pakikitungo sa mga hindi kilalang tao upang maiwasang mabiktima ng kahalintulad na modus.

Source: Cavite News Network


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading