Advertisement

GURO SA ISANG PRIBADONG ESKUWELAHAN SA IMUS, CAVITE, SUGATAN MATAPOS MADAMAY SA PAMAMARIL

BREAKING: NASUGATAN ang isang guro ng isang pribadong eskuwelahan matapos umanong madamay sa pamamaril na naganap malapit sa isang drugstore sa Imus City, Linggo ng gabi.

Ayon sa isang concerned citizen, tumama ang ligaw na bala sa biktima na agad na bumagsak sa kalsada. Dahil sa takot ng mga tao, hindi ito agad natulungan hanggang sa may isang lalaki na nagmagandang-loob na magsakay at maghatid sa kanya sa pagamutan.

Kinumpirma naman ng pamangkin ng guro na kasalukuyang nagpapagaling na sa South Imus Hospital ang kaniyang Tiyuhin.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang mga awtoridad tungkol sa motibo ng pamamaril at sa pagkakakilanlan ng suspek. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. #RBM

Courtesy: CAVITE PRESS CORPS


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading