Advertisement

Tatay, Hinataw sa Ulo ng Anak; Patay!

IMUS CITY — Nasawi ang isang tatay sa kamay ng kaniyang sariling anak matapos itong habulin at hatawin ng matigas na bagay sa ulo sa gitna ng kanilang matinding pagtatalo sa Brgy. Carsadang Bago 2, Imus City, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon, nagkasagutan ang tatay na si Afredo at ang anak na si alyas “Diego,” na nauwi sa pananaksak ni Diego gamit ang patalim.

Nang hindi tumama ang mga saksak, nakuha ni Diego (suspek) ang isang matigas na bagay at agad nitong inihambalos sa ulo ng kanyang ama na kaniyang ikinasawi.

Nahaharap ngayon si Diego sa kasong parricide, habang ang isa pa nilang kapatid na si Geo, ay kakasuhan ng obstruction of justice matapos humarang sa pag-aresto ng mga pulis.

News Source: Pilipino Star Ngayon


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading