Advertisement

Tulong-Bigas, Ipinamahagi sa mga Apektadong Residente sa NAIC, Cavite

NAIC, Cavite — Namahagi ng tulong-bigas ang lokal na pamahalaan ng Naic sa pakikiisa ni Mayor Rommel Magbitang para sa mga residenteng naapektuhan ng habagat.

Isinagawa ang pamamahagi noong Agosto 18, 2026 sa mga lugar ng Bronzeville 1 at Malainen Park Residences.

Nakatuwang sa aktibidad ang Philippine Coast Guard, BJMP, BFP, MDRRMO, at mga force multipliers upang masigurong maayos at mabilis na naiparating ang tulong sa mga nangangailangang pamilya.

Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa lahat ng nakiisa sa pagtulong at tiniyak ang patuloy na pagbibigay-serbisyo sa mga Naicqueñong apektado ng masamang panahon.

Photo Courtesy: Mayor Rommel Magbitang/Facebook


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading