Advertisement

800 Pamilyang Apektado ng Baha sa Ternate, Nakatanggap NG Ayuda Mula sa Bloomberry Foundation

TERNATE, Cavite — Umabot sa 800 pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha sa bayan ng Ternate ang nakatanggap ng agarang ayuda mula sa Bloomberry Cultural Foundation Inc. (BCFI) sa isinagawang relief operation noong Agosto 13.

Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Lamberto Bambao, namahagi ang BCFI ng tig-iisang sako ng bigas sa bawat benepisyaryong pamilya, na may kabuuang 800 sako ng bigas na ipinamahagi sa mga residente mula sa 10 barangay ng bayan.

Nabigyan din ng tulong ang mga empleyado at staff ng Paniman at Puerto Azul na kabilang sa mga naapektuhan ng pagbaha.

Ayon sa BCFI, isinagawa ang relief operation bilang tugon sa kahilingan ng pamahalaang bayan ng Ternate upang makapaghatid ng agarang suporta sa mga residenteng sinalanta ng kalamidad.

Nakiisa rin sa pamamahagi ng ayuda ang mga volunteer mula sa Solaire Security, Quick Response Team (QRT), BCFI Team, Louie Andal, at Seraph Personnel.

Ipinakita ng pagtutulungan ng pribadong sektor at lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng mabilis at sama-samang pagtugon sa pangangailangan ng mga komunidad na apektado ng kalamidad.

Source: Bloomberry Cultural Foundation Inc. / Municipality of Ternate

Courtesy: Cavite Connect


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading