Advertisement

Bypass Drainage Project sa Kawit, Sinimulan upang Mabawasan ang Baha

KAWIT, Cavite — Sinimulan na ngayong araw ang paggawa ng temporary bypass drainage mula Imus patungong Kawit bilang bahagi ng mga hakbang upang mabawasan ang pagbaha sa bayan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, inaasahang mababawasan nito ang dami ng tubig na dumadaloy sa Kalye Onse at Tramo-Marulas, mga lugar na madalas maapektuhan ng matinding pagbaha.

Sa pamamagitan ng bypass canal, mas mabilis na makakalabas patungo sa ilog ang tubig-ulan mula sa Imus at Kawit, na makatutulong sa pagpapababa ng antas ng tubig sa mga apektadong komunidad.

Nagpasalamat naman ang pamahalaang bayan sa Provincial Government of Cavite, Imus City, at Municipality of Kawit sa kanilang suporta sa proyekto.

Bagama’t hindi agarang masosolusyunan ang suliranin sa baha, tiniyak ng lokal na pamahalaan na patuloy ang mga hakbang upang unti-unting matugunan ang problema at maprotektahan ang mga residente. #RPB

Source: BM Jygs Gandia/Facebook

Credit to: Cavite Connect


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading