MARAGONDON, CAVITE — Dalawa ang nasawi at isa ang sugatan matapos umanong mauwi sa pamamaril ang isang pagtatalo sa parking area ng isang resort sa Barangay San Miguel A, Maragondon, Cavite, madaling-araw ng Agosto 12.
Nasawi sina PMSg Junmark Sisante ng Magallanes MPS at Arjay Mojica, habang sugatan si PCpl Louie Vidon Climacosa ng Ternate MPS. Pawang residente ng Magallanes ang mga sangkot.
Arestado naman ang kapwa pulis na si PCpl Rolando Periodico Jr., 35, na nakatalaga sa Trece Martires City Police Station.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang grupo habang nasa parking area ng resort matapos uminom ng alak, bago nauwi sa pamamaril.
Narekober sa suspek ang isang Glock 17 9mm pistol, habang isa pang 9mm pistol ang nakuha mula sa isa sa mga biktima.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at dahilan ng alitan. Samantala, ni-relieve sa puwesto ang hepe ng Maragondon Police habang isinasagawa ang imbestigasyon. #RPB
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply