MANILA — Iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang pagsisimula ng dismissal proceedings laban sa isang pulis na sangkot sa madugong pamamaril sa isang resort sa Maragondon, Cavite, na ikinasawi ng kapwa pulis at isang sibilyan.
Sa pahayag nitong Huwebes, Agosto 13, sinabi ni Nartatez na magsasagawa ang PNP ng masusing at patas na imbestigasyon sa insidenteng naganap madaling-araw ng Agosto 12.
Inatasan din ng PNP chief ang Cavite police na pangalagaan ang lahat ng ebidensya upang matukoy ang posibleng pananagutan sa kasong kriminal at administratibo ng mga sangkot.
Tiniyak ni Nartatez na hindi palalampasin ng PNP ang insidente at mananagot ang sinumang mapatunayang lumabag sa batas at mga alituntunin ng organisasyon. #RPB
Source: Sunstar
Photo credit: Manila Standard
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply