Advertisement

LRT-1 Cavite Extension, Umuusad Na; Bacoor at Las Piñas Sentro ng Proyekto

CAVITE, Pilipinas — Umuusad na ang pre-construction ng LRT-1 Cavite Extension matapos maresolba ang lokasyon ng istasyon sa Las Piñas at masimulan ang pamamahagi ng tulong-pinansyal sa mga maaapektuhang residente sa Cavite.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), pinapabilis na ang preparasyon para sa ikalawang yugto ng proyekto upang makahabol sa naantalang iskedyul.

Naisapinal ang donasyon ng anim na lote mula sa Villar Group para sa pagtatayo ng Las Piñas station, na inaasahang maituturnover sa loob ng anim na buwan.

Samantala, sinimulan na rin ang pamamahagi ng financial assistance sa mga informal settlers sa Bacoor bilang paghahanda sa kanilang relokasyon.

Ang Bacoor ang magiging huling estasyon ng Cavite Extension, na inaasahang magpapabilis ng biyahe patungong Pasay sa humigit-kumulang 25 minuto mula sa dating isa’t kalahating oras.

Patuloy rin ang inspeksyon at paghahanda sa relokasyon ng mga linya ng tubig at komunikasyon sa mga apektadong lugar bilang bahagi ng proyekto.

Ayon sa mga opisyal, inaasahang magdudulot ng malaking ginhawa ang proyekto sa mga manggagawa at residente sa Cavite at southern Metro Manila sa oras na ito ay makumpleto. #RPB

Source: Philstar


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading