BACOOR, CAVITE — Umabot sa 3,677 mangingisda sa Bacoor ang nakatanggap ng relief goods sa isinagawang pamamahagi ng pamahalaang lungsod nitong Agosto 25, 2026.
Pinangunahan ang aktibidad sa S.T.R.I.K.E. Gymnasium sa pamamagitan ng Office of Agricultural Services, katuwang ang Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) at City Social Welfare and Development Office (CSWD).
Layunin ng programa na magbigay ng agarang tulong sa mga lokal na mangingisda at suportahan ang kanilang kabuhayan, bilang mahalagang bahagi ng food supply at ekonomiya ng lungsod.
Nagpasalamat naman ang City Government of Bacoor sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagkakaloob ng mga relief goods para sa mga benepisyaryo.
Photo credits: City Government of Bacoor/Facebook
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply