BACOOR CITY, Cavite — Natagpuang patay ang isang Person with Disability (PWD) at empleyado ng Department of Education (DepEd) sa madamong bahagi ng Molino Boulevard, Barangay San Nicolas 2, noong Agosto 20.

Kinilala ang biktima na si Dench F. Morales, kilala bilang “Sir Dench,” na nagsisilbing Administrative Aide I ng Bacoor National High School–Gawaran Annex.
Ayon sa pulisya, dakong 4:45 ng hapon nang madiskubre ang bangkay, na hirap nang makilala dahil sa ilang araw na pagkakalantad sa mga elemento. Huling nakita si Morales noong Agosto 13 sa Main Square Mall sa Barangay Bayanan.
Isinailalim ang labi sa forensic examination at kalaunan ay nakumpirmang kay Morales. Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Samantala, nananawagan ng hustisya ang pamilya at mga kasamahan ng biktima, habang nagpaabot ng pakikiramay ang DepEd Bacoor at hiniling sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. #RPB
Courtesy: CAVITE NEWS TODAY| CAVITE NEWS NETWORK
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply