Advertisement

BATAAN-CAVITE INTERLINK BRIDGE, PAPASOK NA SA SUSUNOD NA YUGTO NG KONSTRUKSYON; PROYEKTO HINDI MATATAPOS SA KASALUKUYANG ADMINISTRASYON

Magpapatuloy ang konstruksyon ng Bataan-Cavite Interlink Bridge matapos ihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na malapit nang i-award ang mga mahahalagang contract package para sa flagship infrastructure project.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, may mga bahagi na ng proyekto ang kasalukuyang isinasagawa at nakatakda ring ilabas sa lalong madaling panahon ang mga susunod na kontrata.

“Magkakaroon tayo ng mga malalaking announcement soon kasi malapit na tayong mag-award ng mga packages sa Manila Bay,” ani Dizon.

Inamin naman ng kalihim na hindi matatapos ang proyekto bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028 dahil sa lawak at komplikadong disenyo ng tulay.

“Hindi ‘yan simple, pero kapag natapos ‘yan, napakalaking ginhawa at napakalaking impact sa ekonomiya natin,” dagdag niya.

Sa oras na makumpleto, magdurugtong ang Bataan at Cavite sa pamamagitan ng Manila Bay, na inaasahang magpapabilis ng biyahe at magpapalakas sa ekonomiya ng Central Luzon at CALABARZON.

PHOTO CREDIT: Philstar


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading