Advertisement

PROCLAMATION RALLY NG TEAM UNLAD NAIC AT AGIMAT PARTYLIST, DINUMOG NG LIBU-LIBONG SUPPORTERS

DINUMOG ng libu-libong supporters ang matagumpay na proclamation rally ng Team UnlaD Naic, kasama ang AGIMAT Partylist, sa bayan ng Naic, Cavite, umaga ng Biyernes, Marso 28.

Tinatayang nasa 8,000 katao ang nakiisa sa unang araw ng local campaign na ito sa bayan ng Naic.

Dumalo sa kaganapan ang mga prominenteng personalidad na pinangunahan ni Vice Mayor Jun Dualan tumatakbo bilang Mayor ng Naic, kasama sina Abeng Remulla tumatakbong Gobernador ng Cavite, Ram Revilla bilang Vice Governor, Cong. Bryan Revilla ng AGIMAT Partylist, Magallanes Mayor Jasmin Maligaya-Bautista, at si Ms. Christine Reyes bilang kinatawan ni Sen. Imee Marcos. Kasama rin ang mga kandidato sa pagka-konsehal ng Naic.

Ayon kay Mayor Jun Dualan, “Yan po ang grupo namin, yan ang tutulong sa atin at aagapay. Abeng Remulla, kapatid ni Jacinta [Remulla], kaya dadaloy ang mga proyekto sa bayan ng Naic. Si Mayor Jasmin Maligaya naman ay nag-iisang Board Member natin.”

Binanggit din ni Dualan ang kahalagahan ng AGIMAT Partylist sa lalawigan ng Cavite, na patuloy na nagsisilbing “agimat ng masa” sa kanilang mga programa.

“Nakikita niyo naman tumutulong ang agimat ng masa, lagi silang tumutulong, kaya ang ating partylist dito sa lalawigan ng Cavite isa lang, ang AGIMAT Partylist.” Ani Mayor Jun Dualan.

Sa kabila nang mga pambabatikos kay Vice Mayor Jun Dualan, na inakusahan ng mga kalaban na wala siyang naitulong sa bayan ng Naic, mariin niyang ipinahayag na ang mga pagbabago at progreso ng bayan ay hindi mapapasubalian.

“Nakita niyo naman ang video, sabi nila wala raw akong nagagawa, sabi nila ‘SAVE NAIC’ daw e, ‘yan na nga lahat, nakita niyo na ang lahat ng pruweba,” dagdag ni Mayor Jun Dualan.

Nagbigay ng pag-asa ang mga Naicqueños sa rally, kung saan ipinaliwanag ni Mayor Jun Dualan ang mga kongkretong proyekto na nagpatibay sa progresibong pananaw ng kaniyang administrasyon. Kabilang dito ang pagpapalakas ng industriya ng fast food chain, pagbubukas ng Super Health Center, karagdagang classrooms, rehab center, at ang patuloy na pagpapabuti ng mga imprastruktura tulad ng Cavite-Bataan Interlink Bridge na magpapadali ng biyahe sa loob ng 30 minuto, at marami pa.

“Ipinagmamalaki ko na mula sa budget na P160 milyon noong 2013, ngayon ang budget P730 milyon, patunay na asenso-ng-asenso ang bayan ng Naic. At syempre, ang pangarap ng inyong lingkod, by 2028, iaapela natin ng “CITY” ang bayan ng Naic,” pagtatapos ni Mayor Jun Dualan.

Binigyang-diin ni Ms. Jacinta Remulla, tumatakbong Vice Mayor ng Naic, na ang kanilang pamilya ay tapat kay Mayor Jun Dualan.

“Isa lang ang Mayor natin, isa lang ang Mayor ko, isa lang ang Mayor ng pamilya ko, si Mayor Jun Dualan!” ani Ms. Remulla.

Ang matagumpay na proclamation rally ay patunay ng malakas na suporta mula sa mga Naicqueños sa mga lider at kandidato ng Team UnLaD Naic at AGIMAT Partylist, na may layuning itaguyod ang higit pang kaunlaran at mga proyekto para sa bayan ng Naic. #RBM

Originally posted on Cavite TV official Facebook page written by Rex Molines


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading