NAIC, Cavite — Bumisita at nagparating ng taos-pusong pakikiramay si Cavite Governor Abeng Remulla sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Hon. Junio C. Dualan, dating alkalde at bise alkalde ng Bayan ng Naic, na pumanaw kamakailan.
Sa kanyang mensahe, kinilala ni Remulla ang mga naging ambag at paglilingkod ni Dualan sa kanyang mga kababayan sa Naic at sa lalawigan ng Cavite.
“Taos pusong pakikiramay sa pagpanaw ni Hon. Junio C. Dualan, dating Mayor at Vice Mayor ng Bayan ng Naic. Sa kanyang pagpanaw, nawa’y manatili ang kanyang mga naging ambag at paglilingkod sa kanyang mga kababayan bilang bahagi ng kanyang pamana sa ating lalawigan,” ani Remulla.
Nag-alay rin siya ng panalangin para sa pamilya at mga naiwan ng dating opisyal.
“Sa pamilya, mga kaibigan, at mga naiwan niyang mahal sa buhay, taos-puso po kaming nakikiramay. Nawa’y bigyan kayo ng Diyos ng lakas at kapanatagan sa panahong ito ng pagluluksa. Maraming salamat sa iyong buhay at paglilingkod,” dagdag pa niya.
Si Dualan ay nagsilbi bilang alkalde at bise alkalde ng Naic at nakilala sa kanyang paglilingkod sa bayan sa loob ng maraming taon. #RPB
Photo courtesy: Gov. Abeng Remulla/Facebook
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply