Patuloy ang pagpapakita ni Mayor Jenny Austria-Barzaga ng malasakit at dedikasyon sa paglilingkod sa mga Dasmarineño, kasabay ng kanyang pagtakbo bilang kinatawan ng ika-4 na Distrito ng Cavite.
Binigyang-diin ng alkalde na ang tunay na lider ay nasusukat sa gawa at hindi lamang sa salita. Sa kanyang panunungkulan bilang Mayor ng bayan ng Dasmarinas, naipakita umano ang konkretong aksyon sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan.
Sa kanyang kandidatura bilang congresswoman, layunin ni Barzaga na higit pang mapalawak ang mga serbisyong panlipunan at maisulong ang mga programang magpapabuti sa buhay ng mga residente sa buong distrito.
Bitbit ang karanasan sa pamamahala at malasakit sa serbisyo, inaasahan ng kanyang mga tagasuporta na magpapatuloy ang mga inisyatiba para sa kaunlaran ng Dasmariñas at ng ika-4 na Distrito ng Cavite sa nalalapit na special elections sa darating na Agosto 29, sa Lungsod ng Dasmariñas.
Courtesy: CAVITE CONNECT
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply