Advertisement

DASMARIÑAS, NAGDAGDAG NG BAGONG SASAKYAN PARA PALAKASIN ANG SERBISYO PUBLIKO

DASMARIÑAS CITY, CAVITE — Pormal nang ipinamahagi ng pamahalaang lungsod ng Dasmariñas, sa pangunguna ni Mayor Jenny Barzaga, ang mga bagong sasakyan para sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan upang mapalakas ang serbisyo sa seguridad, pamamahala ng trapiko, emergency response at iba pang frontline services.

Sa isinagawang turnover ceremony noong Agosto 13, 2026, nakatanggap ang PNP Dasmariñas ng dalawang Toyota Innova at dalawang Toyota Hilux Tamaraw para magamit sa pagpapatrolya at iba pang operasyon.

Nakatanggap naman ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng isang Toyota Hilux Tamaraw, habang pinagkalooban ang La Funeraria de Dasmariñas ng dalawang Hilux pickup at dalawang Hilux Tamaraw upang suportahan ang kanilang funeral at mortuary services.

Dalawang sasakyan din ang inilaan para sa Office of City Traffic Management, kabilang ang isang Hilux Tamaraw at isang Hilux pickup, upang makatulong sa mas mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan sa pamamahala ng trapiko sa lungsod.

Bukod dito, naglaan ang pamahalaang lungsod ng isang 15,000-litro na water tank truck na gagamitin sa paghahatid ng malaking suplay ng tubig at sa pagtugon sa mga emergency at iba pang pangangailangan ng mga residente.

Ayon sa mga opisyal, ang pagdaragdag ng mga bagong sasakyan ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na mapabilis ang pagtugon sa mga insidente, mabawasan ang operational gaps at higit pang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan ng Dasmariñas. #RPB

PHOTO CREDITS: DASMARINAS CITY INQUIRER


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading