Itinaas ng PAGASA ang Heavy Rainfall Warning No. 18 alas-11 ng gabi nitong Agosto 18, kung saan isinailalim sa Red Warning Level ang ilang bahagi ng Bataan, Batangas, at Cavite dahil sa banta ng seryosong pagbaha.
Kabilang sa mga nasa Red Warning ang Nasugbu, Lian, Tuy, Balayan, Calatagan, at Calaca sa Batangas, gayundin ang Ternate, Maragondon, Magallanes, General Emilio Aguinaldo, at Alfonso sa Cavite.
Samantala, nasa Orange Warning Level ang Metro Manila, Zambales, Bulacan, malaking bahagi ng Cavite, Rizal, Pampanga, at Batangas, kung saan nananatiling banta ang pagbaha sa mga mabababang lugar.
Nasa Yellow Warning Level naman ang ilang bahagi ng Tarlac, Pampanga, Laguna, at Rizal, na may posibilidad ng pagbaha sa mga flood-prone areas.
Ayon sa PAGASA, inaasahan ding magpapatuloy sa susunod na tatlong oras ang mahina hanggang katamtaman, na may paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Laguna, Nueva Ecija, at Quezon. #RPB
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply