Advertisement

CvSU Magallanes Extension Campus, Pormal nang Binuksan

MAGALLANES, Cavite — Pormal nang binuksan noong Agosto 13 ang Cavite State University (CvSU) Magallanes Extension Campus, isang mahalagang hakbang upang mailapit ang de-kalidad na edukasyon sa mga kabataan ng bayan.

Sa pagbubukas ng bagong extension campus, iaalok sa unang taon ang mga kursong Bachelor of Science in Agriculture, Bachelor of Agricultural Entrepreneurship, at Bachelor of Science in Tourism Management na magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga estudyanteng Magalleño na makapag-aral nang hindi na kinakailangang bumiyahe sa malalayong lugar.

Ayon kay Mayor Janessa Maligaya de Ramayo, ang pagtatatag ng campus ay hindi lamang pagdaragdag ng pasilidad pang-edukasyon kundi isang bagong pintuan tungo sa oportunidad, pag-asa, at mas magandang kinabukasan para sa bawat kabataan ng Magallanes.

Ang proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Magallanes, Cavite State University, at Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite.

Inaasahang makatutulong ang bagong campus sa pagpapalawak ng akses sa mataas na edukasyon at sa paghubog ng mga susunod na propesyonal na mag-aambag sa pag-unlad ng bayan ng Magallanes.

Photos courtesy: Mayor Janessa Maligaya de Ramayo/Facebook

Source: CAVITE CONNECT


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading