Ipinagdiriwang ng bayan ng Magallanes sa lalawigan ng Cavite ang makulay at makasaysayang ika-109 taon ng kanilang pagkakatatag.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jasmin Maligaya-Bautista, matagumpay na naisagawa ang mga makabuluhang aktibidad nitong Marso 13 at 14, kung saan muling ipinakita ng mga Magalleño ang kanilang pagmamahal at pagkakaisa para sa bayan.
Ilan sa mga tampok na kaganapan ay ang Kasalang Bayan, Youth Forum, Career Development and Labor Market Information Seminar.
Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Mayor Jasmin na patuloy nilang palalakasin ang serbisyo publiko at isusulong ang mga hakbang para sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng Magallanes, hindi lamang tuwing anibersaryo, kundi tuloy-tuloy na pagtugon para sa kapakanan ng bawat Magalleño. Isang Maligayang pagbati sa inyong lahat! #RBM
Originally Posted on: Cavite TV and Cavite Connect
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply