Matinding trapiko, pabago-bagong bilang at lapad ng mga lane, at mga sirang bahagi ng kalsada ang ilan sa mga hamon na kinakaharap ng mga motorista sa rutang Silang, Cavite patungong Quezon City.
Ayon sa isang motorista na aking nakapanayam, ang biyahe mula Silang gamit ang CALAX at South Luzon Expressway (SLEX), patungo sa C-5 corridor at Katipunan hanggang sa University of the Philippines (UP), ay nagiging mahaba, nakakapagod at nakaka-stress dahil sa mabigat na daloy ng trapiko at kondisyon ng ilang pangunahing kalsada.
Binanggit din nito ang pabago-bagong bilang ng mga lane sa SLEX, na sa ilang bahagi ay mula lima ay biglang nagiging dalawa, na umano’y dulot ng limitadong espasyo at patuloy na pagkukumpuni ng kalsada.
Pagpasok naman sa C-5 mula sa SLEX, kapansin-pansin umano ang mga lubak at pagkasira ng road surface. Mas nagiging matagtag din ang biyahe habang papalapit sa Quezon City.
Isa sa mga itinuturing na delikadong bahagi ng ruta ay ang ilang lugar sa Pateros, kung saan ang apat na lane ay biglang sumisikip sa dalawang lane dahil sa mga U-turn facility. Dahil dito, napipilitang bumagal at lumipat ng lane ang mga sasakyan, na lalo pang nagpapabigat sa daloy ng trapiko.
Nanawagan ang motorista ng mas maayos na pagpaplano, pagkukumpuni at pamamahala sa mga pangunahing kalsada upang maging mas ligtas at maginhawa ang pagbiyahe ng publiko, lalo na sa mga rutang araw-araw na dinaraanan ng libo-libong motorista.
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply