MANILA — Patuloy na nakaaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa malaking bahagi ng Luzon, ayon sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA.
Kabilang sa makararanas ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na ulan at thunderstorms ang Metro Manila, Ilocos Region, Benguet, Abra, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Palawan, Marinduque, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.
Posible ang biglaang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang minsang malakas na pag-ulan.
Samantala, makararanas naman ang nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto, lalo na sa mga lugar na madaling bahain at landslide-prone. #RPB
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply