Advertisement

Microsoft: Pilipinas Kabilang sa Nangunguna sa Paggamit ng AI sa Trabaho

Kabilang na ang Pilipinas sa mga nangungunang bansa sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa lugar ng trabaho, ayon sa pinakabagong Work Trend Index Annual Report ng Microsoft.

Sa media briefing na ginanap noong Agosto 7, sinabi ni Microsoft Philippines Communications Head Josh Aquino na hindi na ang paggamit ng AI ang pangunahing hamon ng bansa kundi ang kahandaan ng mga organisasyon na lubos itong mapakinabangan.

Batay sa ulat, 25 porsiyento ng mga Pilipinong gumagamit ng AI ang kabilang sa tinatawag na “Frontier Professionals” o mga advanced AI users, mas mataas kumpara sa pandaigdigang average na 16 porsiyento.

Lumabas din sa pag-aaral na nangunguna ang mga Pilipino sa paggamit ng kritikal na pag-iisip sa AI. Aabot sa 65 porsiyento ng mga Pinoy AI users ang nagsabing mahalagang kasanayan ang critical thinking, habang 93 porsiyento naman ang tumuturing sa AI output bilang panimulang gabay lamang at hindi pinal na sagot.

Ayon kay Aquino, ipinapakita ng resulta na handa at maging mas nauuna pa ang Pilipinas sa maraming bansa pagdating sa makabagong paggamit ng AI, habang nananatiling mahalaga ang papel ng tao sa paghusga at paggawa ng mga desisyon. #RPB

Photo credit: LinkedIn


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading