Advertisement

AI Technology vs. Fact-Checking: Para sa Katotohanan

Mula nang magsulat ako sa mga lokal na pahayagan taong 2013 hanggang sa kasalukuyan, hindi ako sumubok na gumamit ng mga available online tools upang masuri ang balarila o ‘grammar’ sa bawat artikulo na aking isinusulat sa mga pahayagan (print at onlayn). Sumusulat ako sa lenggwaheng Ingles noon. Sinimulan ko rin na magsulat sa mga Tagalog na pahayagan sa magkaparehong taon sa iba’t ibang anggulo ng istorya na aking ibinabahagi. Isang propesyon na hindi madaling gawin at kailangan pag-isipan ng husto, dapat tama ang paglinang ng bawat salita’t impormasyon, datos at konteksto na iyong inilalahad. 

Isang araw, habang ako’y sumusulat ng artikulo ay biglang bumungad sa harap ko ang isang AI tools na kung tawagin ay “ChatGPT,” na madalas ko na itong makita at marinig sa mga kakilala ko kung gumagamit daw ba ako nito sa aking pagsusulat. Excuse po! Bilang manunulat sa loob ng maraming taon, ang lahat po ng aking mga naisulat ay pawang nagmula sa aking kaisipan na may sapat na datos at kongkretong impormasyon na aking nakakalap at nababasa sa iba’t ibang disiplina, konteksto, pahayagan at mga akda. Kaya naman, nais kong ibahagi ang mga paalala kung paano nga ba natin magagamit ng may katuturan ang nagsilipanang AI tools sa makabagong panahon at teknolohiya.

Dahil na rin sa curiosity ko sa AI tools na ito, sinubukan kong isulat ang mga salita na kung kaya nga ba ng ChatGPT na ibigay sa akin ang nais kong mabatid. Ilang Segundo lang ay mabilis kong nakuha ang impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng AI tool na ito. Bagay na ikinagulat ko at ikinatuwa rin dahil may ganito pa lang online tools na pwede mong mapadali ang iyong pagtatrabaho. Pero tila may kaakibat itong obligasyon at hindi rin ako nakasisiguro na nagbibigay talaga ito ng eksakto at kongkretong impormasyon. Nakadama ako ng pagkabahala sa aking nadiskubreng AI technology na ito. Safe nga ba itong gamitin para sa lahat? O, magdudulot lang din ito ng kalituhan sa mga magbabasa onlayn? Isang malaking pagsubok ito para sa ating gobyerno, edukasyon, maging sa simbahang Katolika, at iba’t ibang institusyon sa ating bansa at sa labas ng ating bansa. Dahil kaya nito sakupin ang data privacy ng isang indibidwal, gaya ko, nang subukan kong i-type ang aking pangalan gamit ang ‘ChatGPT’ ay nabatid nito agad ang aking pagkakakilanlan. Ngunit hindi naman lahat ng aking impormasyon bagama’t maaari pa rin nito magamit ang aking pagkakilanlan dahil sa mga nakalap nitong datos. Nakababahala ito para sa kagaya kong manunulat na maaaring masakop nito ang aming kakayahan na makapaghatid ng kongkretong impormasyon at diseminasyon. 

Ang paggamit ng AI o Artificial Intelligence ay nagbibigay talaga ng makabagong paraan upang mapabilis, mapaganda, at mapalawak ang saklaw ng pagbabahagi ng pagbabalita. Ang AI tools tulad ng Natural Language Processing (NLP) ay kayang magsulat ng mga simpleng ulat, gaya ng sports scores, weather updates, o stock market reports sa mas mabilis na paraan. Kaya din ng AI na mag-analisa ng malawak na data sets sa paghahanap ng trend, pattern, at mga istoryang mahalaga sa magbabasa. Kaya ng AI powered tools na makakuha ng pinakabagong balita mula sa iba’t ibang plataporma at datos na hindi naaantala. Higit sa lahat, kaya ng AI na mag-awtomatikong mag-edit, mag-proofread, o mag-create ng mga artikulo. Nagagamit din ang AI tools sa paggawa ng proposals, projects, reports, presentations, marketing strategies, at data collections. Bukod sa ChatGPT, pwede rin magamit ang iba pang AI tools gaya ng ChatBot, ChatGP, Ask AI, AI Chatbot at marami pang iba. Kaakibat nito ang mga hamon na dapat harapin upang mapanatili ang integridad at etika sa pamamahayag at paglalahad ng mga impormasyon. 

Hindi maiiwasan ang pangangamba sa pagagmit ng AI tools na ito dahil maaaring mawalan ng emosyon at lalim sa pagkukwento ng mga sensitibo o human-interest na mga pag-uulat. Dahil sa mabilis ang pagproseso ng mga impormasyon gamit ang AI, maaaring maka-detect din ito ng mga maling impormasyon at maaaring maging balakid sa mas kongkretong pag-uulat dahil ang mga impormasyon na nakolekta ng AI ay na-feed lang sa mismong sistema nito. Kung saan man iyon nanggaling, hindi natin batid. 

Maaaring masangkot din ang AI sa mga isyu tulad ng disinformation, deepfake content, o plagiarism kung hindi ito ma-‘Fact Checking’ ng husto. Magdudulot din ito ng mas mababang potensyal sa pagkalap ng mga datos at impormasyon kung saan ay maaaring makompromiso ang propesyon ng isang mamamahayag. 

Marami ang mga fact-checking na maaaring isagawa upang masigurong tama at wasto ang impormasyon na nagmumula sa paggamit ng AI tools. Pwede rin mag-develop ang AI tools ng Fact-checking ngunit ito ay kailangan ng kaukulang pagtutok. Kaya mainam na alamin ang source ng impormasyon kung saan ito nagmula, makikita ito sa mga website link ng mga legit na pahayagan onlayn at konteksto. Dapat bigyan importansya ang fact-checking at hindi aasa sa kung ano lang ang kayang ibigay ng AI tools. Dapat makasanayan natin ang responsableng paggamit ng AI tools, kung paano natin makakamit ang balanseng paggamit ng AI nang hindi nakokompromiso ang kapakanan ng tao. Ang responsableng paggamit at masusing pagsubaybay sa teknolohiya ay kailangang pagtulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga institusyong pang-akademya. Bilang isang manunulat sa iba’t ibang plataporma onlayn, mahalagang mabatid ko na ang mga nagsilipana na mga ganitong uri ng AI tools ay hindi dapat makasanayan.

Sa panahon ng kampanya, kung saan sensitibo ang usapin ng disimpormasyon, mahalagang may mga gabay at regulasyong sinusunod. Ayon na rin sa kautusan ng Commission on Elections (Comelec), ipinagbabawal ang paggamit ng AI o Artificial Intelligence sa kampanya upang maiwasan ang posibleng manipulasyon ng impormasyon na maaaring magdulot ng maling pananaw sa mga botante.

Dapat nating tandaan na hindi masama ang gumamit ng mga makabagong teknolohiya gaya ng AI Tools sa ating pagtatrabaho o pagkilos araw-araw. Ngunit, kinakailangan natin na masigurado na hindi nito maaabuso ang ating mga karapatan at ang katotohanan. Mahalaga ang pagsusuri, pag-verify, at pagbibigay ng human perspective sa pagbabalita. Kailangan natin masigurado ang mga datos at balita na nalikha ng AI ay dumadaan pa rin sa masusing pagsusuri ng tao. Mahalaga ang Human collaboration, Fact-checking, Transparency, at Ethical guidelines. Kaya naman, inuulit ko po, hindi masama ang paggamit ng AI tools, kung ito ay nakatutulong sa estado ng ating pamumuhay, ngunit ito ay kailangang limitahan sa paraan na tayo ang mas nakakaalam. Ika nga, DAPAT ALAM MO! #RBM


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading