MANILA — Ilang lugar sa Metro Manila at Cavite ang makararanas ng water interruption ngayong linggo bunsod ng nakatakdang maintenance works, ayon sa Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc.
Ayon sa Manila Water, maaapektuhan ang ilang bahagi ng UP Campus at Blue Ridge sa Agosto 25–26 mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga dahil sa line maintenance. Susunod naman ang ilang lugar sa Quezon City tulad ng U.P. Village, Teachers Village East at West, San Vicente, at Old Capitol Site sa Agosto 26–27 sa parehong oras.
Sa Taguig City, magkakaroon ng service interruption sa Brgy. Maharlika sa Agosto 25–26 dahil sa pagpapalit ng line meter, habang maaapektuhan din ang ilang bahagi ng Rizal at Pembo dahil sa declogging activities. Sa Marikina City, makakaranas ng water interruption ang ilang lugar sa Brgy. Parang dahil sa leak detection works.
Samantala, ayon sa Maynilad, mawawalan ng tubig ang ilang barangay sa Pandacan, Maynila sa Agosto 24–25 dahil sa network maintenance.
Sa Cavite, apektado ang ilang lugar sa Bacoor City kabilang ang Molino II, III, IV, VII, Queens Row areas, at San Nicholas III, gayundin ang Pasong Buaya I at II sa Imus City. Magkakaroon ng water interruption mula Agosto 26–27, alas-10 ng gabi hanggang ala-1 ng hapon kinabukasan dahil sa pagpapalit ng malalaking valves sa Marcos Alvarez at Magdiwang pumping stations.
Pinapayuhan ang mga residente na mag-imbak ng sapat na tubig habang isinasagawa ang mga maintenance works.
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply