Advertisement

Ilang Kalsada sa Metro Manila, Binaha Dahil sa Malakas na Ulan

MANILA — Ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila ang binaha nitong Biyernes ng umaga dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa MMDA, hanggang alas-9:20 ng umaga, nakaranas ng gutter-deep hanggang kalahating gutter-deep na baha ang ilang bahagi ng EDSA sa Quezon City, kabilang ang P. Tuazon Tunnel, Dario Bridge at Vertis North.

Sa Valenzuela City, umabot sa tinatayang 10 pulgada ang baha sa McArthur Highway sa bahagi ng Toyota Dalandanan.

Samantala, nakaranas din ng gutter-deep na baha sa Taft Avenue-P. Gil, Taft Avenue-Quirino at P. Quirino-Guazon sa Maynila.

Gayunman, nananatiling passable sa lahat ng uri ng sasakyan ang mga nabanggit na kalsada.

Nagpatupad naman ng Yellow Rainfall Warning sa Metro Manila ang PAGASA dahil sa patuloy na pag-ulan, habang ilang lugar ang nagsuspinde ng klase dahil sa masamang panahon. #RPB


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading