Advertisement

8 Indibidwal, Arestado sa Hinalaang Iligal na Paglilipat ng Diesel sa Tingloy, Batangas

TINGLOY, BATANGAS — Walong indibidwal ang inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos umanong maaktuhan sa ilegal na paglilipat ng produktong petrolyo sa karagatan ng Barangay Makawayan noong Agosto 15, 2026.

Ayon sa PCG, unang napansin ang isang fishing vessel na inaanod at nasa may 30 metro mula sa baybayin dahil umano sa problema sa makina.

Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubreng walang kaukulang dokumento ang sasakyang-dagat at mga produktong petrolyong dala nito. Tinatayang 5,000 litro ng diesel ang sakay ng barko, kabilang ang 4,000 litro na sinasabing kargamento at 1,000 litro para sa sariling konsumo.

Patuloy na iniimbestigahan ng PCG ang pinagmulan, pagmamay-ari at legalidad ng diesel, pati na ang umano’y ilegal na ship-to-ship transfer.

Dinala ang walong naaresto sa kustodiya ng PCG habang inihahanda ang kaukulang kaso. Nakipag-ugnayan na rin ang PCG sa Office of the Provincial Prosecutor ng Batangas para sa inquest proceedings.

Posibleng maharap ang mga suspek sa mga paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, National Internal Revenue Code at mga batas laban sa ilegal na kalakalan at paghawak ng petroleum products, depende sa resulta ng imbestigasyon.

Source: PCG Batangas


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading