CALACA CITY, Batangas — Arestado ang isang 33-anyos na store merchandise owner matapos makumpiskahan ng tinatayang P1.7 milyong halaga ng ilegal na sigarilyo sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Poblacion 1 noong gabi ng Agosto 12.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office, nahuli ang suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng dalawang master case ng Champion cigarettes.
Nasamsam din ng mga awtoridad ang iba’t ibang pakete ng sigarilyo at isang utility van na umano’y ginagamit sa transportasyon ng mga produkto.
Tinatayang aabot sa P1.71 milyon ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang sigarilyo batay sa valuation ng Bureau of Customs.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at National Internal Revenue Code.
Source: ABANTE
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply