BATANGAS CITY — Hiniling ng mga residente sa Barangay Sta. Clara Ilaya ang agarang pagsusuri sa makapal at mabahong likidong nakita sa baybayin noong Agosto 16 matapos itong paghinalaang langis o iba pang kemikal.
Ayon sa mga residente, posibleng nagmula ang likido sa isang tubo na sinasabing konektado sa First Gen pier facility. May impormasyon din na maaari itong nagmula sa isang barko.
Ilang residenteng nakalapit sa lugar ang nakaranas umano ng pagkahilo dahil sa masangsang na amoy.
Gayunman, hindi pa nakukumpirma ang uri at eksaktong pinagmulan ng likido. Nagsagawa na ng inspeksyon ang lokal na pamahalaan, Philippine Coast Guard, CENRO, DRRMO at mga opisyal ng barangay upang matukoy ang pinagmulan at posibleng epekto nito sa kapaligiran.
Source: Abante
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply