Advertisement

Libreng Bigas para sa Mahihirap na Pamilya, Tuloy-Tuloy — Recto

CEBU CITY — Tiniyak ni Executive Secretary Ralph Recto na magpapatuloy ang pamahalaan sa pamamahagi ng libreng bigas sa mga mahihirap na pamilya alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang pamilyang Pilipino ang dapat magutom.

Sa kanyang pagbisita sa Cebu, pinangunahan ni Recto ang pamamahagi ng bigas sa humigit-kumulang 120,000 pamilya sa ilalim ng Bagong Pilipinas Rice Program (BPRP).

Ayon kay Recto, bawat dalawang buwan ang distribusyon ng tig-10 kilo ng bigas sa mga benepisyaryo. Target ng programa na matulungan ang halos walong milyong mahihirap na pamilya sa buong bansa.

Dagdag pa niya, makikinabang din ang mga lokal na magsasaka dahil sa kanila bibilhin ng pamahalaan ang ipamamahaging bigas. Aniya, layunin ng programa na matulungan kapwa ang mga pamilyang nangangailangan at ang sektor ng agrikultura. #RPB


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading