Inihayag ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) CALABARZON na hindi na inaasahang maaapektuhan ng patuloy na pag-ulan ang ilang pangunahing ilog at mga sanga nito sa rehiyon kasunod ng pinakahuling General Flood Advisory (GFA) No. 30 na inilabas alas-6 ng umaga ngayong Agosto 15.
Ayon sa advisory, nananatiling nakaaapekto sa Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas ang Southwest Monsoon o Habagat na nagdadala ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at mga pagkulog at pagkidlat sa loob ng susunod na 12 oras.
Kabilang sa mga daluyang tubig na hindi na inaasahang maapektuhan ng pagtaas ng tubig ang Laboc (Balsahan), Cañas, Ylang-Ylang, Imus, at Maragondon Rivers sa Cavite.
Kasama rin sa listahan ang ilang ilog sa Rizal, Batangas, Laguna, at Quezon na bumalik na sa mas ligtas na kondisyon matapos ang mga nagdaang pag-ulan.
Sa kabila nito, pinaalalahanan ng RDRRMC ang publiko na manatiling mapagmatyag at magsagawa pa rin ng mga pag-iingat, lalo na sa mga lugar na madaling bahain at magkaroon ng pagguho ng lupa.
Pinapayuhan din ang mga residente na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng mga lokal na pamahalaan at ng PAGASA para sa mga susunod na update sa lagay ng panahon.
Source: RDRRMC CALABARZON / DOST-PAGASA
Courtesy: Cavite Connect
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply